Inihanda mo ang iyong punyal at ikaw ay tumalon sa tatlong assistant na nasa likod ng pickup truck. Habang ikaw ay nasa ere ay inasintamo ang itim na orb ng nasa kaliwang assistant at itinarak sa iyong paglanding. Agad mong hinugot ang iyong punyal at nagpawala ng isang sipa sa mga baril ng dalawa pang assistant para sila'y idisarma.
Itinurok mo ang iyong punyal sa itim na orb ng pangalawang assistant pero hindi mo naiwasan ang suntok ng pangatlong assistant. Hinugot mo ang iyong punyal sa pangalawang assistant at itinarak sa itim na orb ng pangatlong assistant.
Nawalang ng malay ang tatlong assistant at napansin mo nalang na nakatutok na sa iyo ang M16 na baril ng kanilang kapitan na si Marvin. Agad kang tumalon sa bandang likod ng pickup truck pero ikaw ay tinamaan ng pinakawalang mga bala ni Marvin. Kritikal ang iyong kalagayan sa mga balang tinamo.
Ilagay sa lupa ang Magic Seed
Gamitan ng punyal at arnis si Marvin
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Manatiling nakatago sa puno
Hinagisan ka ng granada ng isang assistant ni Marvin at ito ay sumabog. Lumiwanag ang iyong paningin at nakita si Inang Acacia. "Bigo k...
-
Gamit ang natitira mo pang lakas ikaw ay huminga ng malalim at agad na tumakbo sa harapan ni Marvin habang ito ay nagrereload ng kanyang M16...
-
Agresibo kang umatake sa kalaban at ikaw ay nagpakawala ng isang malakas na suntok pero ito ay naiwasan ng kalaban. Ginamit niyang muli ang ...
-
Habang ikaw ay tumatakbo papalayo sa kalaban ay ginamit mo ang dahon sa iyong sugat at agad itong naghilom. Napansin mo ang isang tangkay na...
No comments:
Post a Comment