Tuesday, July 24, 2018

Manatiling nakatago sa puno

Hinagisan ka ng granada ng isang assistant ni Marvin at ito ay sumabog. Lumiwanag ang iyong paningin at nakita si Inang Acacia. "Bigo ka sa iyong pagsubok, Kai"

"Simulan natin muli Inang Acacia"

Walang gawin at magtago lang

"Nakatakas sila Marvin at hindi napigilan ang madugong bakbakan sa mga alagad ng batas. Bigo ka sa iyong pagsubok Kai." Sabi ni Inang Acacia.

"Simulan natin muli Inang Acacia"

Gamitan ng punyal at arnis si Marvin

Gamit ang natitira mo pang lakas ibinato mo ang punyal sa malaking itim na orb sa dibdib ni Marvin at ito ay bumaon habang ito ay nagrereload ng kanyang M16. Habang ikaw ay papatakbo papalapit kay Marvin at gamitin ang iyong arnis ay bigla itong nakapagreload at pinaulanan ka ng bala. Biglang nagliwanag ang iyong paningin.

"Natalo ka ni Marvin, Kai." Dahil dun ay hindi ka matagumpay sa pag-eensayo.

"Simulan natin muli Inang Acacia"

Gamitan ng Nature Sense na pisikal na pagatake si Marvin

Gamit ang natitira mo pang lakas ikaw ay huminga ng malalim at agad na tumakbo sa harapan ni Marvin habang ito ay nagrereload ng kanyang M16. Dinisarma mo ang hawak nitong M16 at ikaw ay bumwelo para magpakawala ng isang napakalakas ng suntok.

Sa pagkagulat ni Marvin ay wala na itong nagawa. Pinakawalang mo na ang napakalakas na suntok sa malaking itim na orb sa dibdib nito at tumilapon ng si Marvin sa may bandang harapan ng sasakyan. Nawala na ang orb dito at pati ang malay nito.

Narinig mo bigla ang sirena ng mga alagad ng batas.

Magteleport sa puno sa may talahiban

Magteleport sa puno sa may talahiban

Pagteleport mo sa puno sa may talahiban ay tumakbo ka na papalayo sa mga kalaban sa iyong paglayo ay bigla mong naisip na naiwanan mo ang Magic Tree. Pinakiramdaman mo ito at inutusan na bumalik sa pagiging Magic Seed at magteleport sa iyong harapan. Ginawa nun ito at itinabi mo na.

Biglang mong narinig ang boses ni Inang Acacia nung ikaw ay nakalayo na. "Congrats Kai! Nagawa mo paring talunin ang 4 Mighty Mice kahit na naging kritikal ang iyong kalagayan." Itapal mo ang dahol ng malunggay sa iyong mga sugat at agad itong maghihilom.

Ikaw ay nagpahinga sa tabi ng puno ng malunggay at pinahilom ang iyong mga sugat na natamo.

Gamitan ng Nature Sense na punyal at arnis si Marvin

Sa angking bilis at agresibong pakiramdam mo, agad kang pumunta sa harapan ni Marvin at itinurok at agad na hinugot ang punyal sa malaking itim na orb nito at ito ay natigilan sa pagreload ng M16. Bahagya itong napaatras. Itinurok mo pa ang dalawang dulo ng arnis sa malaking itim na orb at ito ay naglaho. Nawalan ng malay si Marvin.

Narinig mo bigla ang sirena ng mga alagad ng batas.

Magteleport sa puno sa may talahiban

Ilagay sa lupa ang Magic Seed

Nang iyong inilagay ang Magic seed sa lupa ay agad itong umusbong at naging Magic Tree. Sa gulat ni Marvin ay pinaputukan niya ang Magic Tree hanggang sa maubos ang bala nito. Nanumbalik ng bahagya ang iyong lakas at gumaan ang pakiramdam mo dahil sa Nature Sense. Dahil naging kritikal ang iyong buhay ay mas naging agresibo ang iyong pakiramdam para umatake.

Gamitan ng Nature Sense na punyal at arnis si Marvin

Gamitan ng Nature Sense na pisikal na pagatake si Marvin

Manatiling nakatago sa puno

Hinagisan ka ng granada ng isang assistant ni Marvin at ito ay sumabog. Lumiwanag ang iyong paningin at nakita si Inang Acacia. "Bigo k...