Tuesday, July 24, 2018

Manatiling nakatago sa puno

Hinagisan ka ng granada ng isang assistant ni Marvin at ito ay sumabog. Lumiwanag ang iyong paningin at nakita si Inang Acacia. "Bigo ka sa iyong pagsubok, Kai"

"Simulan natin muli Inang Acacia"

Walang gawin at magtago lang

"Nakatakas sila Marvin at hindi napigilan ang madugong bakbakan sa mga alagad ng batas. Bigo ka sa iyong pagsubok Kai." Sabi ni Inang Acacia.

"Simulan natin muli Inang Acacia"

Gamitan ng punyal at arnis si Marvin

Gamit ang natitira mo pang lakas ibinato mo ang punyal sa malaking itim na orb sa dibdib ni Marvin at ito ay bumaon habang ito ay nagrereload ng kanyang M16. Habang ikaw ay papatakbo papalapit kay Marvin at gamitin ang iyong arnis ay bigla itong nakapagreload at pinaulanan ka ng bala. Biglang nagliwanag ang iyong paningin.

"Natalo ka ni Marvin, Kai." Dahil dun ay hindi ka matagumpay sa pag-eensayo.

"Simulan natin muli Inang Acacia"

Gamitan ng Nature Sense na pisikal na pagatake si Marvin

Gamit ang natitira mo pang lakas ikaw ay huminga ng malalim at agad na tumakbo sa harapan ni Marvin habang ito ay nagrereload ng kanyang M16. Dinisarma mo ang hawak nitong M16 at ikaw ay bumwelo para magpakawala ng isang napakalakas ng suntok.

Sa pagkagulat ni Marvin ay wala na itong nagawa. Pinakawalang mo na ang napakalakas na suntok sa malaking itim na orb sa dibdib nito at tumilapon ng si Marvin sa may bandang harapan ng sasakyan. Nawala na ang orb dito at pati ang malay nito.

Narinig mo bigla ang sirena ng mga alagad ng batas.

Magteleport sa puno sa may talahiban

Magteleport sa puno sa may talahiban

Pagteleport mo sa puno sa may talahiban ay tumakbo ka na papalayo sa mga kalaban sa iyong paglayo ay bigla mong naisip na naiwanan mo ang Magic Tree. Pinakiramdaman mo ito at inutusan na bumalik sa pagiging Magic Seed at magteleport sa iyong harapan. Ginawa nun ito at itinabi mo na.

Biglang mong narinig ang boses ni Inang Acacia nung ikaw ay nakalayo na. "Congrats Kai! Nagawa mo paring talunin ang 4 Mighty Mice kahit na naging kritikal ang iyong kalagayan." Itapal mo ang dahol ng malunggay sa iyong mga sugat at agad itong maghihilom.

Ikaw ay nagpahinga sa tabi ng puno ng malunggay at pinahilom ang iyong mga sugat na natamo.

Gamitan ng Nature Sense na punyal at arnis si Marvin

Sa angking bilis at agresibong pakiramdam mo, agad kang pumunta sa harapan ni Marvin at itinurok at agad na hinugot ang punyal sa malaking itim na orb nito at ito ay natigilan sa pagreload ng M16. Bahagya itong napaatras. Itinurok mo pa ang dalawang dulo ng arnis sa malaking itim na orb at ito ay naglaho. Nawalan ng malay si Marvin.

Narinig mo bigla ang sirena ng mga alagad ng batas.

Magteleport sa puno sa may talahiban

Ilagay sa lupa ang Magic Seed

Nang iyong inilagay ang Magic seed sa lupa ay agad itong umusbong at naging Magic Tree. Sa gulat ni Marvin ay pinaputukan niya ang Magic Tree hanggang sa maubos ang bala nito. Nanumbalik ng bahagya ang iyong lakas at gumaan ang pakiramdam mo dahil sa Nature Sense. Dahil naging kritikal ang iyong buhay ay mas naging agresibo ang iyong pakiramdam para umatake.

Gamitan ng Nature Sense na punyal at arnis si Marvin

Gamitan ng Nature Sense na pisikal na pagatake si Marvin

Umayat sa puno at tumalon sa likod ng pickup truck at gamitin ang punyal

Inihanda mo ang iyong punyal at ikaw ay tumalon sa tatlong assistant na nasa likod ng pickup truck. Habang ikaw ay nasa ere ay inasintamo ang itim na orb ng nasa kaliwang assistant at itinarak sa iyong paglanding. Agad mong hinugot ang iyong punyal at nagpawala ng isang sipa sa mga baril ng dalawa pang assistant para sila'y idisarma.

Itinurok mo ang iyong punyal sa itim na orb ng pangalawang assistant pero hindi mo naiwasan ang suntok ng pangatlong assistant. Hinugot mo ang iyong punyal sa pangalawang assistant at itinarak sa itim na orb ng pangatlong assistant.

Nawalang ng malay ang tatlong assistant at napansin mo nalang na nakatutok na sa iyo ang M16 na baril ng kanilang kapitan na si Marvin. Agad kang tumalon sa bandang likod ng pickup truck pero ikaw ay tinamaan ng pinakawalang mga bala ni Marvin. Kritikal ang iyong kalagayan sa mga balang tinamo.

Ilagay sa lupa ang Magic Seed

Gamitan ng punyal at arnis si Marvin

Gamitan ng arnis si Marvin

Bago pa nito iputok ang kanyang baril ay dali dali kang tumakbo sa may puno at naiwasan mo ang mga pinakawalang bala ni Marvin. Gamit ang Nature Sense, ikaw ay mabilis na nakapunta sa likod ni Marvin at itinurok mo ang dalang dulo ng iyong arnis. Tumalsik ito ng bahagya at nabitawan ang hawak na M16.

Agad itong bumangon at sa pagbangon nito ay pinaulanan mo ng mga atake gamit ang arnis. Hindi nito nagawang lumaban dahil sa taglay mong bilis. Hinampas mo ng arnis ang malaking itim na orb sa dibdib nito ngunit ito na nanatiling lumalaban.

Maya-maya pa ay tuluyan na nabuwag ang depensa ni Marvin at hinampas mo ng dalawang beses ang malaking itim na orb sa dibdib nito at iyon ay naglaho at nawalan ng malay si Marvin. Ilang saglit pa ay narinig mo na ang sirena ng mga pulis.

Ibalik ang Magic Tree sa Magic Seed at pumunta sa talahiban

Magteleport sa Magic Tree at gamitin ang arnis sa tatlong assistant

Nagteleport ka sa puno at nagulat ang tatlong assistant papaulanan ka na sana ng bala ng mga ito pero ang iyong Nature Sense ay higit pa sa bilis ng mga kamay nito para iputok ang baril. Tumalon ka sa may bandang likod ng pick up truck at pinaulanan ang tatlong kalaban ng mga hataw ng arnis na nagdisarma sa mga hawak nitong baril.

Lumaban ang tatlo gamit ang kanilang kamao pero ang bilis ng iyong pagatake gamit ang arnis ay walang laban ang mga ito. Gamit ang dulo ng arnis ay isa-isa mong tinurok sa mga itim na orb nito sa dibdib at sila ay mabilis mong nagapi.

Nawalan ng malay ang tatlong assistant at nawala na ang mga itim na orb sa mga ito.Naramdaman mo bigla ang napakaagresibong tibok ng puso ng kanilang kapitan na si Marvin at nakatutok na pala ang baril nito sa iyo.

Gamitan ng pisikal na lakas si Marvin

Gamitan ng punyal si Marvin

Gamitan ng arnis si Marvin

Gamitan ng punyal si Marvin

Bago pa nito iputok ang kanyang baril ay dali dali kang tumakbo sa may puno at naiwasan mo ang mga pinakawalang bala ni Marvin. Gamit ang Nature Sense, ikaw ay mabilis na nakapunta sa likod ni Marvin at madali mong naagaw ang M16 na baril sa kanya. Si Marvin ay nagpawala ng suntok at ikaw ay tinamaan sa mukha.

Itinapon mo ang M16 sa bandang likuran mo at mabilis na naiwasan at paparating na pangalawang suntok ni Marvin. Nagpakawala pa ito ng tatlong suntok pero ito ay iyong naiwasan dahil sa taglay mong bilis ng Nature Sense. Sinalo mo ng iyong kamay ang pangapat na suntok ni Marvin at itinarak mo ang puyal sa malaking itim na orb ng tatlong beses hanggang sa ito ay maglaho. Nawalan ng malay si Marvin.

Maya-maya pa ay narinig mo na ang sirena ng mga pulis.

Ibalik ang Magic Tree sa Magic Seed at pumunta sa talahiban

Magteleport sa Magic Tree at gamitin ang punyal sa tatlong assistant

Nagteleport ka sa puno at nagulat ang tatlong assistant papaulanan ka na sana ng bala ng mga ito pero ang iyong Nature Sense ay higit pa sa bilis ng mga kamay nito para iputok ang baril. Agad kang tumakbo sa pinakamalapit na assistant at itinarak mo kagad ang punyal sa itim na orb na kumokontrol dito at mabilis mo itong hinugot.

Nang ipuputok na sa iyo ng pangalawa at pangatlong assistant ang kanilang mga baril, agad kang pumunta sa bandang harapan na nakayuko sa mga ito. Hinawakan mo ang kamay na may hawak na baril sa kaliwang assistant para mapigil ang pagputok ng baril at agad na tinarak ang iyong punyal sa itim na orb nito sabay hugot ng mabilis.

Ihahampas na sa iyo ng nasa kanang assistant ang kanyang baril pero agad mo itong siniko at tumilapon ang hawak nitong baril. Hinawakan mo ang huling assistant sa kanyang kanan na kamay at ibinuka ang dibdib nito kung saan naroon ang itim na orb. Itinarak mo ang punyal sa itim na orb at biglang hugot.

Nawalan ng malay ang tatlong assistant at nawala na ang mga itim na orb sa mga ito. Naramdaman mo bigla ang napakaagresibong tibok ng puso ng kanilang kapitan na si Marvin at nakatutok na pala ang baril nito sa iyo.

Gamitan ng pisikal na lakas si Marvin

Gamitan ng punyal si Marvin

Gamitan ng arnis si Marvin

Monday, July 23, 2018

Ibalik ang Magic Tree sa Magic Seed at pumunta sa talahiban

Sa iyong utos gamit ang isipan ay bumalik ang Magic Tree sa anyo nitong Magic Seed at ito ay iyong itinago. Ikaw ay mabilis na pumunta sa talahiban bago ma makarating ang mga pulis. Nagulat ang mga alagad ng batas dahil at mabilis na pinagdadampot ang mga walang malay na salarin.

"Congrats! Matagumpay mong natapos ang iyong misyon ng hindi man lamang nasaktan." sabi ni Inang Acacia.

Gamitan ng pisikal na lakas si Marvin

Bago pa nito iputok ang kanyang baril ay dali dali kang tumakbo sa may puno at naiwasan mo ang mga pinakawalang bala ni Marvin. Gamit ang Nature Sense, ikaw ay mabilis na nakapunta sa likod ni Marvin at madali mong naagaw ang M16 na baril sa kanya. Si Marvin ay nagpawala ng suntok at ikaw ay tinamaan sa mukha.

Itinapon mo ang M16 sa bandang likuran mo at mabilis na naiwasan at paparating na pangalawang suntok ni Marvin. Nagpakawala pa ito ng tatlong suntok pero ito ay iyong naiwasan dahil sa taglay mong bilis ng Nature Sense. Sinalo mo ng iyong kamay ang pangapat na suntok ni Marvin at ang isa pa niyang kamay sa pagbigay ng suntok.
Ibinuka mo ang dalawa niyang kamay at ikaw ay bumwelo para magpakawala ng sobrang lakas na suntok sa malaking itim na orb sa dibdib nito. Pinakawalan mo ang napakalakas na suntok sa malaking itim na orb at sa sobrang lakas ay tumilapon ng bahagya si Marvin at ito ay nawalan ng malay.

Maya-maya pa ay narinig mo na ang sirena ng mga pulis.

Ibalik ang Magic Tree sa Magic Seed at pumunta sa talahiban

Magteleport sa Magic Tree at gamitin ang pisikal na lakas sa tatlong assistant

Nagteleport ka sa puno at nagulat ang tatlong assistant papaulanan ka na sana ng bala ng mga ito pero ang iyong Nature Sense ay higit pa sa bilis ng mga kamay nito para iputok ang baril. Agad kang tumakbo sa pinakamalapit na assistant, binalian mo ang kamay nito at nabitawan ang baril.

Nang ipuputok na sa iyo ng pangalawa at pangatlong assistant ang kanilang mga baril, agad kang pumunta sa likuran ng mga ito. Gamit ang iyong pisikal na lakas na lalo pang pinalakas ng Nature Sense mo ay bilalian mo ang mga kamay nito na may hawak na baril at nagpakawala ng isang malakas na suntok sa itim na orb na nakikita mo.

At isa pa ulit na malakas na suntok sa isang assistant na may itim na orb. Binalikan mo ang unang assistant na iyong inatake at nagpakawala ulit ng isang malakas na suntok sa itim na orb sa dibdib nito. Nawalan ng malay ang tatlong assistant at nawala na ang mga itim na orb sa mga ito.

Naramdaman mo bigla ang napakaagresibong tibok ng puso ng kanilang kapitan na si Marvin at nakatutok na pala ang baril nito sa iyo.

Gamitan ng pisikal na lakas si Marvin

Gamitan ng punyal si Marvin

Gamitan ng arnis si Marvin

Ibato ang Magic Seed sa sasakyan

Ikaw ay bumwelo at ibinato ang Magic Seed sa sasakyan. Ito ay tumama sa bandang harapan ng sasakyan. Nagulat ang driver ng sasakyan na si Marvin at biglang umusbong ang Magic Tree Sa bandang harapan ng sasakyan. Sa gulat ng taltong assistant ni Marvin ay pinaulanan nila ng bala ang Magic Tree. Maya-maya pa ay naubusan ng bala ang tatlo at nagreload ng panibagong bala.

Magteleport sa Magic Tree at gamitin ang pisikal na lakas sa tatlong assistant

Magteleport sa Magic Tree at gamitin ang punyal sa tatlong assistant

Magteleport sa Magic Tree at gamitin ang arnis sa tatlong assistant

"Hoy! Tigilan niyo yang binabalak nyo!"

Sa iyong pagsigaw ay di nag-alinlangan ang tatlo sa likod ng pickup truck na paulanan ka ng bala. Maya-maya pa ay lumabas ang lalaki sa driver's seat at nagpaulan din ito gamit ang M16 na baril. At dahil ikaw ay nasa puno, ang iyong Nature Sense ay tinulungan ka para iwasan ang mga bala.

Sa unang bala pa lang na lumabas ay alam mo na kung saan ito pupunta at ikaw ay nakaiwas sa mga pinakawalang bala ng mga kalaban. Ikaw ay nagtago sa likod ng puno na kung saan hindi ka maaaring tamaan ng bala.

Tumakbo sa kabilang at ibato ang Magic Seed sa sasakyan

Umayat sa puno at tumalon sa likod ng pickup truck at gamitin ang punyal

Manatiling nakatago sa puno

Magmasid sa kalaban

Sa iyong pagmamasid sa mga kalaban, nakita mo na ikinasa ng tatlo ang hawak nilang mga Caliber 45 at itinago nila sa kanilang mga damit. Maya-maya pa ay sumenyas ang isa sa kasama nila na nasa driver seat at pinaandar na nito ang sasakyan. Ilang saglit lang ay umandar na ito papalabas ng gate.

Ibato ang Magic Seed sa sasakyan

Umayat sa puno at tumalon sa likod ng pickup truck at gamitin ang punyal

Walang gawin at magtago lang

Oo, handa na akong pigilan ang 4 Mighty Mice Group

Nagbago bigla ang paligid at nawala si Inang Acacia. Ikaw ay napunta sa isang liblib na lugar sa Antipolo kung saan halos walang tao. Sila ay nasa isang bahay na malaki at di mo aakalain na ito ay pinamumugaran ng mga magnanakaw.

Gamit ang iyong bilis habang ikaw ay nasa kakahuyan, tumakbo ka ng matulin at pumunta sa gilid ng bakuran. Tahimik kang umakyat sa puno at nakita mo na lumabas ang isang lalaking may hawak na M16 na baril at pumasok sa driver's seat ng itim na Mitsubishi Triton Pickup Truck.

Maya-maya pa ay lumabas ang tatlong lalaki na may bitbit na malaking kahon at inilagay sa likod ng pickup truck.

Magmasid sa kalaban

"Hoy! Tigilan niyo yang binabalak nyo!"

Ibato ang Magic Seed sa sasakyan

"Maliwanag na sa akin. Simulan na natin ang susunod na kalaban."

Ang sususnod mong kalaban ay isang bandidong grupo na kung tawagin ay 4 Mighty Mice na pinamumunuan ni Marvin. Si Marvin at ang tatlo nitong assistant ay Most Wanted sa lalawigan ng Rizal at hindi mahanap hanap dahil sa taglay nilang galing sa pagpapanggap na ordinaryong mamamayan.

Sila ay mga magnanakaw na ang target ay mga jewelry shop at hindi pa nakikita ang kanilang tunay na itsura. Pero ang kalikasan ay mayroon nang detalye sa mga ito. Sila ay armado ng mga baril at pampasapog bilang kanilang depensa sa kanilang sarili.

Sinasabi ng kalikasan na si Marvin ay sinapian ng mas makaling itim na orb kaya siya ay "Kapitan" ng kasamaan at ang tatlo nitong assistant naman ay sinapian ng maliliit na itim na orb kaya ang mga ito ay "Alagad" ng kasamaan.

Ang mga ito ay nakakulong na sa ngayon at gagamitin natin ang memorya ng kalikasan para sa iyong pageensayo nung sila ay nakalalaya pa. Sila ay namataan ng kalikasan sa isang lugar sa Antipolo at plano nilang salakayin ang isang Jewelry shop sa Makati. Ang mga alagad ng batas ay natunton na kanilang kinaroroonan at sila ay papunta na dito.

Misyon mo na pigilan ang mga ito bago dumating ang mga alagad ng batas upang maiwasan ang madugong bakbakan ng dalawa. Handa ka na ba para harapin sila?

Oo, handa na akong pigilan ang 4 Mighty Mice Group

Gusto kong balikan ang naunang kalaban

Gamitin ang Arnis

Nang hinawakan mo ang Arnis ay bigla itong nagliwanag ng bahagya. Napansin mo ang sobrang gaan nito. "Subukan mong labanan ang mga ito" sabi ni Inang Acacia. Lumitaw ang tatlong anino at ito ay tumatakbo papalapit sa iyo. Ginamit mo ang iyong bilis sa pagkilos para unahan ang tatlong anino. Nang iyong tamaan ng arnis ang mga ito ay bigla itong naglaho. Ikaw ay bumalik sa iyong pwesto at inilapag ang Arnis.

Gamitin ang magic seed at magteleport

"Maliwanag na sa akin. Simulan na natin ang susunod na kalaban."

Gamitin ang Magic Seed at magteleport

Ibinato mo ang magic seed ng malayo at paglapag nito sa lupa ay biglang umusbong ang isang maliit na puno. Sa pagusbong nito ay naramdaman mo ang puno na parang parte ng iyong katawan. Nang inisip mo kung saang parte ka ng puno gustong pumunta ay ikaw ay biglang nagteleport dito. Ikinagulat mo ito at sobrang natuwa ka.

Dahil ikaw ay nasa kakahuyan, ang Nature Sense mo ay binibigyan ka ng access sa bawat puno at halaman at naririnig at nababasa mo ang bawat puno. Nang sinubukan mong magteleport sa ibang puno ay nagawa mo rin. Bumalik ka sa may kinaroroonan ng Arnis at inutusan mo ang Magic Tree na maging Magic Seed at magteleport sa iyo. Ito ay nagteleport sa harapan mo at iyong itinabi.

"Ayos to Inang Acacia. Mas mabilis kong matatalo ang mga kalaban sa ganitong abilidad." ang sabi mo.

Gamitin ang Arnis

"Maliwanag na sa akin. Simulan na natin ang susunod na kalaban."

Kausapin si Inang Acacia

"Inang Acacia" ang sabi mo. "Congratulations! Natalo mo ang unang kalaban. Ngayong pamilyar ka na sa paggamit ng natural mong abilidad na Nature Sense ay dapat mong matutunan ang lumaban sa mas marami pang kalaban. Dahil dyan ay bibigyan kita ng "Magic Seed" na pwede mong ibato kung saan mo gusto at ito ay uusbong na isang maliit na puno."

"Nang sa ganun ay makakapagteleport ka sa puno at magamit ang Nature Sense mong abilidad. Kung nais mong ibalik ang puno sa pagiging Magic Seed ay maari mo rin itong gawin. Ito ay nasa kontrol mo na ngayon at ang iyong pagiisip ay kayang utusan ang Magic Tree na maging Magic Seed uli."

"Sa pangmaramihan namang kalaban ay pwede mong gamitin ang Arnis na ito. Magagamit mo ang arnis sa pagatake at pagdepensa sa iyong sarili." ang sabi ng inang Acacia

Gamitin ang magic seed at magteleport

Gamitin ang Arnis

"Maliwanag na sa akin. Simulan na natin ang susunod na kalaban."

Sunday, July 22, 2018

Hintaying makalapit ang kalaban at iwasan ang kanyang mga atake

Agresibong lumapit ang kalaban at ito ay nagpakawala ng mga pagatake gamit ang kanyang balisong. Mabilis mo itong naiwasan. Napansin mo na bawat atake ng kalaban ay kayang kaya mong iwasan.

Ang iyong Nature Sense ay tinutulungan ka para basahin ang galaw ng kalaban. Lahat ng kanyang pagatake ay iyong naiwasan. Nakita mo ang itim na orb sa kalaban at ito ay 'yong ginamitan ng iyong punyal.

Nawalan ng malay ang lalaki at tila hindi nito alam ang mga nangyari. Nawala ang mga sugat nito at kinuha mo ang bag sa kanya at itinapon ang patalim na kanyang nabitawan. Umalis ang lalaki na parang walang nangyari. Isinauli mo ang bag sa babae. "Salamat" sabi ng babae. Ikaw ay pumunta sa kakahuyan at nagpahinga.

Kausapin si Inang Acacia

Ibato sa kalaban ang punyal

Habang tumatakbo papalapit sa iyo ang kalaban ay napansin mo ang itim na orb sa dibdib nito at ikaw ay bumwelo para ibato ang punyal. Ibinato mo ito ng malakas ito ay tinamaan sa orb.

Nawalan ng malay ang lalaki at tila hindi nito alam ang mga nangyari. Nawala ang mga sugat nito at kinuha mo ang bag sa kanya at itinapon ang patalim na kanyang nabitawan. Umalis ang lalaki na parang walang nangyari. Isinauli mo ang bag sa babae. "Salamat" sabi ng babae. Ikaw ay pumunta sa kakahuyan at nagpahinga.

Kausapin si Inang Acacia

Gamitin ang dahon ng paghilom at hintayin ang kalaban

Habang ikaw ay nasa ilalim ng poste ay ginamit mo ang dahon ng paghilom at naghilom ang iyong sugat ng biglaan. Sinunggaban ka ng kalaban gamit ang kanyang balisong pero ito ay iyong naiwasan. Nagpakawala ka ng suntok at ito ay tumama sa tagiliran ng kalaban. Hindi ganoon kalakas ang iyong suntok kaya ang kalaban ay nagpakawala ng suntok gamit ang isang kamay.

Tinamaan ang iyong mukha at ikaw ay nasaktan ng bahagya. Ginamit muli ng kalaban ang balisong at ikaw tinamaan sa pagsalag mo dito. Ginamit mo ang iyong siko sa pagatake at tinamaan ang mukha ng kalaban. Ito ay napaatras. Unti-unti kang nawawalan ng hangin sa pakikipaglaban.

Kunin ang lumiliwanag na sanga

Pilitin paring lumaban gamit ang pisikal na lakas

Pilitin paring lumaban gamit ang pisikal na lakas

Pinilit mong lumaban at sa bagal ng iyong pagkilos dahil sa kawalan ng hangin ay hindi mo na namalayan ang pagatake ng kalaban gamit at balisong. Ikaw ay malubhang nasugatan. Ikaw ay bumagsak sa sahig at nakita mo na ang lalaki ay papalayo na sa iyo. Unti-unting nagdidilim ang iyong paningin.

Bigla nalang nagbago ang paligid at nawala ang nararamdaman mong sakit at pati na ang 'yong mga sugat. Lumitaw sa harapan mo ang Inang Acacia at sinabi. "Ok lang yan Kai. Sa isang labanan, may nananalo at natatalo. Wag kang mawalan ng pagasa. Gusto mo bang simulan uli ang pageensayo?"

Oo, sa pagkakataong ito ay tatalunin ko na ang kalaban!

Tumakbo papalayo sa kalaban at pumunta sa halamanan

Sa pagkapuwing ng kalaban ay ikaw ay nagkaroon ng pagkakataon para pumunta sa halamanan. Napansin mo ang isang tangkay na nagliliwanag sa ilalim ng puno ng Narra. Habang ikaw ay nasa halamanan ay naramdaman mo ang iyong natural na abiilidad Nature Sense. Napansin mo rin na nagdudugo na ang iyong kamay dahil sa natamo mong sugat sa pagatake ng kalaban.

Ilang sandali pa ay nakarecover na ang kalaban sa pagkapuwing dito. Ito ay tumakbo papalapit sa iyo.

Hintaying makalapit ang kalaban at iwasan ang kanyang mga atake

Gamitin ang dahon ng paghilom at kunin ang sangang lumiliwanag

Tumakbo papalayo sa kalaban at gamitin ang dahon sa iyong sugat

Habang ikaw ay tumatakbo papalayo sa kalaban ay ginamit mo ang dahon sa iyong sugat at agad itong naghilom. Napansin mo ang isang tangkay na nagliliwanag sa ilalim ng puno ng Narra at ang iyong kalaban ay nakarecover na sa pagkapuwing nito sa buhangin. Agad itong tumakbo papalapit sa iyo at ito ay mas mabilis natumakbo kaysa sa iyo.

Kunin ang lumiliwanag na sanga

Pilitin paring lumaban gamit ang pisikal na lakas

Tumakbong muli papalayo sa kalaban

Ikaw ay mabilis na tumakbo papalayo sa kalaban ngunit mabilis ka ring nasundan ng kalaban. Nawalan ka ng choice kundi kalabanin ang kalaban.

Agresibo kang umatake sa kalaban at ikaw ay nagpakawala ng isang malakas na suntok pero ito ay naiwasan ng kalaban. Ginamit niya ang balisong at ito ay iyong nakita kaya ginamit mo ang kaliwang kamay para salagin ito.

Ang 'yong kamay ay tinamaan ng balisong sa gilid at ikaw ay naging mas agresibo sa pagatake. Ang pangalawa mong suntok ay tumama sa mukha ng kalaban at sa lakas nito ay napaatras ito. Napansin mo na nagdudugo na ang iyong sugat.

Tumakbo papalayo sa kalaban at gamitin ang dahon sa iyong sugat

Tumakbo papalayo sa kalaban at pumunta sa halamanan

Atakihin ang kalaban

Magtago lang sa puno

Ang kalaban ay papunta sa iyong pinagtataguan at alam nito ang kung saan ka nagtatago. Naramdaman mo na mas naging agresibo ang tibok ng puso ng iyong kalaban. Ito ay biglang lumabas sa iyong kaliwa at nagpakawala ng mga pagatake gamit ang balisong.

Ito ay iyong naiwasan at nababasa mo ang kanyang galaw. Lahat ng kanyang atake ay matagumpay mong naiwasan. Napansin mo rin ang itim na orb na nasa bandang dibdib ng lalaki.

Nagpakawala ang lalaki ng isang malakas at mabilis na pagatake gamit ang balisong pero ito ay iyong nabasa at hinawi mo ang kamay nito. Tumilapon ang hawak niyang balisong at ikaw ay bumwelo para magpakawala ng isang malakas na suntok. Pinakawalan mo ang isang malakas na suntok sa itim na orb at sa sobrang lakas ay tumilapon ang kalaban.

Nawala ang itim na orb at ang lalaki ay biglang bumangon na parang hindi niya alam ang mga nangyari. Isinauli ang bag sa babae "Salamat" ang sabi nito. Ikaw ay bumalik sa kakahuyan at naupo sa isang kahoy.

Kausapin si Inang Acacia

Atakihin ang lalaki gamit ang pisikal na lakas Nature Sense

Ikaw ang mabilis na umatake sa kalaban. Sa sobrang bilis ng iyong pagkilos ay hindi nito napansin na ikaw ay nasa harapan na niya. Bigla itong nagpakawala ng mga pagatake gamit ang balisong. Ito ay iyong naiwasan at nababasa mo ang kanyang galaw. Lahat ng kanyang atake ay matagumpay mong naiwasan. Napansin mo rin ang itim na orb na nasa bandang dibdib ng lalaki.

Nagpakawala ang lalaki ng isang malakas at mabilis na pagatake gamit ang balisong pero ito ay iyong nabasa at hinawi mo ang kamay nito. Tumilapon ang hawak niyang balisong at ikaw ay bumwelo para magpakawala ng isang malakas na suntok. Pinakawalan mo ang isang malakas na suntok sa itim na orb at sa sobrang lakas ay tumilapon ang kalaban.

Nawala ang itim na orb at ang lalaki ay biglang bumangon na parang hindi niya alam ang mga nangyari. Isinauli ang bag sa babae "Salamat" ang sabi nito. Ikaw ay bumalik sa kakahuyan at naupo sa isang kahoy.

Kausapin si Inang Acacia

Kunin ang lumiliwanag na sanga

Nang kinuha mo ang lumiliwanag na sanga ay biglang nagbago ang anyo nito ay naging isang punyal.Napansin mo na mas gumaan ang pakiramdam mo. Naramdaman mo ang bawat yabag ng kalaban habang papalapit ito sa iyo. Marahil dahil ikaw ay nasa kalikasan at nararamdaman mo ang Nature Sense mong abilidad.

Papalapit na sa iyo ang kalaban at bigla itong naging mas agresibo sa pagatake.

Sunggaban ang kalaban at gamitin ang punyal

Hintaying makalapit ang kalaban at iwasan ang kanyang mga atake

Ibato sa kalaban ang punyal

Sunggaban ang kalaban at gamitin ang punyal

Sa pagsunggab mo sa kalaban gamit ang punyal ay tinamaan ito kanyang braso. Sa sobrang bilis ng iyong pagatake ay hindi na nito nagawang depensahan ang sarili. Kritikal ang lagay ng kalaban pero ito ay umataking muli. Ang iyong Nature Sense ay tinutulungan ka para basahin ang galaw ng kalaban. Lahat ng kanyang pagatake ay iyong naiwasan. Nakita mo ang itim na orb sa kalaban at ito ay 'yong ginamitan ng iyong punyal.

Nawalan ng malay ang lalaki at tila hindi nito alam ang mga nangyari. Nawala ang mga sugat nito at kinuha mo ang bag sa kanya at itinapon ang patalim na kanyang nabitawan. Umalis ang lalaki na parang walang nangyari. Isinauli mo ang bag sa babae. "Salamat" sabi ng babae. Ikaw ay pumunta sa kakahuyan at nagpahinga.

Kausapin si Inang Acacia

Gamitin ang dahon ng paghilom at kunin ang sangang lumiliwanag

Nang ginamit mo ang dahon sa iyong mga sugat ay bigla itong naghilom. Agad kang tumakbo sa puno ng Narra at kinuha ang lumiliwanag na tangkay. Ito ay naging punyal at napansin mo na mas gumaan ang pakiramdam mo. Naramdaman mo ang bawat yabag ng kalaban habang papalapit ito sa iyo. Marahil dahil ikaw ay nasa ilalim ng punong Narra. Naramdaman mong muli ang Nature Sense mong abilidad.

Pati na ang pagtibok ng puso ng kalaban ay nararamdaman mo. Ito ay puno ng galit at napakaagresibo.

Sunggaban ang kalaban at gamitin ang punyal

Hintaying makalapit ang kalaban at iwasan ang kanyang mga atake

Ibato sa kalaban ang punyal

Kumuha ng buhangin at ibato sa mata ng kalaban

Ibinato mo sa mata ng kalaban ang buhangin at ito ay napuwing. Ikaw ay napatakbo sa ilalim ng poste at naalala ang sinabi ng Inang Acacia tungkol sa natural mong kakayanan na Nature Sense, kaya ikaw ay naghanap ng halaman o puno. Napansin mo ang sanga na nahulog sa puno ng Narra at ito ay lumiliwanag. Naalala mo rin ang dahon ng paghilom na iyong pinitas. Ang kalaban ay nakarecover na sa pagkapuwing at ito ay papalapit uli sayo.

Gamitin ang dahon ng paghilom at hintayin ang kalaban

Gamitin ang dahon ng paghilom at kunin ang sangang lumiliwanag

Pilitin paring lumaban gamit ang pisikal na lakas

"Suko na ko Inang Acacia"

Bigla nalang nagbago ang paligid at nawala ang nararamdaman mong sakit at pati na ang 'yong mga sugat. Lumitaw sa harapan mo ang Inang Acacia at sinabi. "Ok lang yan Kai. Sa isang labanan, may nananalo at natatalo. Wag kang mawalan ng pagasa. Gusto mo bang simulan uli ang pageensayo?"

Oo, sa pagkakataong ito ay tatalunin ko na ang kalaban!

Atakihin ang kalaban

Sa iyong pagatake sa kalaban ay bigla itong imiwas. Naging mas agresibo ang kalaban at nagpakawala ng pagatake gamit ang tuhod. Ikaw ay tinamaan sa sikmura at nahirapan sa paghinga. Tiniis mo yun pero tila hindi ka na makakilos dahil sa kawalan ng hangin. Napaatras ka at napaluhod. Napansin mo na may buhangin sa sahig.

"Suko na ko Inang Acacia"

Pilitin paring lumaban gamit ang pisikal na lakas

Kumuha ng buhangin at ibato sa mata ng kalaban

Umatake gamit ang pisikal na lakas

Agresibo kang umatake sa kalaban at ikaw ay nagpakawala ng isang malakas na suntok pero ito ay naiwasan ng kalaban. Ginamit niyang muli ang balisong at ito ay iyong nakita kaya ginamit mo ang kaliwang kamay para salagin ito. Ang 'yong kamay ay tinamaan ng balisong sa gilid at ikaw ay naging mas agresibo sa pagatake. Ang pangalawa mong suntok ay tumama sa mukha ng kalaban at sa lakas nito ay napaatras ito. Napansin mo na nagdudugo na ang iyong mga sugat.

Tumakbo papalayo sa kalaban at gamitin ang dahon sa iyong sugat

Tumakbo papalayo sa kalaban at pumunta sa halamanan

Atakihin ang kalaban

Tumakbo papalayo sa kalaban

Sa pagtakbo mo ng kalsada papalayo sa lalaki ay hinabol ka nito. Sa kanyang bilis sa pagtakbo ay naabutan ka nito. Ito ay nagbigay ng suntok at ikaw ay tinamaan sa mukha ng ikaw papalingon sa kanya. Ikaw ay napaupo sa sahig at ang lalaki ay naglabas ng balisong.



Pumunta sa mga puno at halaman at magtago

Pagpasok mo sa mga halaman ay biglang gumaan ang iyong pakiramdam. Mabilis kang nakapagtago sa isang puno pero ang lalaki ay sumunod sa iyo na parang alam niya kung saan ka nagtatago. Napansin mo ang isang sanga sa ilalim ng Punong Acacia na nagliliwanag at ang boses ni Inang Acacia na nagsabi "Kunin mo ang sanga at gamitin sa pagdepensa sa iyong sarili"

Kunin ang lumiliwanag na sanga

Atakihin ang lalaki gamit ang pisikal na lakas

Magtago lang sa puno

Depensahan ang sarili gamit ang pisikal na lakas


Nadepensahan mo ang unang atake ng lalaki pero ang bilis sa pagkilos nito ay higit pa sa iyo. Muli itong umatake gamit ang balisong at nahawi mo parin ang kanyang kamay bilang iyong depensa. Ang pangatlong pagatake ay hindi mo naiwasan. Ikaw ay tinamaan sa iyong hita na pumunit sa iyong pantalon na manipis ganun din sa iyong balat. Naramdaman mo ang sakit gaya ng sinabi ng Inang Acacia.




"Isoli mo yan kung ayaw mong masaktan"


Nilagay ng lalake ang bag sa kanyang balikat at napansin mo ang maliit na itim naborb na nagkokontrol dito at naglabas ng balisong. Ito ay umatake gamit ang balisong.




Atakihin ang lalaki gamit ang iyong kamao


Nagpakawala ka ng mga suntok at nabitawan niya ang bag ng babae. Napansin mo ang itim na maliit na orb na nagkokontrol sa lalaki. Ang mga suntok mo ay naiwasan ng lalaki at ikaw ay tinulak nito papalayo sa kanya. Naglabas ang lalaki ng balisong at ito ay aatake gamit yun.



"Bitawan mo yang bag at umalis ka na"


Habang nilalapag ng lalaki ang bag sa sahig, napansin mo ang maliit na itim na orb na kumokontrol dito. Naglabas ang lalaki ng balisong at umatake ito sa iyo.



Sige handa na ako!

Nagbago bigla ang paligid at nawala na si Inang Acacia. Napunta ako sa lalawigan ng Rizal. Sa isang lugar na kung tawagin ay "Tikling" na nagdudugtong sa mga lalawigan. Hating gabi na at wala na masyadong tao. Ako ay lumakad sa daan papuntang Junction ng bila kong narinig ang boses ni Inang Acacia.

"Ang iyong natural na abilidad ay ang Nature Sense na kung saan ay mas mabilis kang kumilos, mas mabilis at malakas ang iyong pagatake kapag ikaw ay napapaligiran ng kalikasan. Ikaw rin ay may abilidad na makita ang mga hindi nakikita ng ordinaryong paningin lamang."

At ako ay umalis sa kalsada at pumunta sa damuhan at mga puno. Napansin ko na kakaibang pakiramdam, nararamdaman ko ang bawat bulong ng mga halaman at puno, gumaan ang pakiramdam ko na parang ako ay lumilipad. Tumakbo ako patungo sa kabilang puno at ako'y nagulat sa taglay kong bilis.

Pumunta ako sa may gilid ng kalsada para magmashin kung may dumadaan na tao. Nagantay ako ng ilang minuto at wala parin. Napansin ko ang aking sarili sa salamin ng isang shop sa may gilid. Ako ay may pisikal na katangian ng isang normal na mamamayan ng Pilipinas. Nakita ko ang puno ng malunggay na nagniningning. Pinuntahan ko ito sa taglay kong bilis.

"Pumitas ka ng dahon ng malunggay at iyong itabi. Magagamit mo ito sa paghilom ng iyong sugat kapag ikaw ay nasugatan." Sabi ng Inang Acacia. Ilang saglit pa ay may isang babae na pumunta sa waiting shade. Maya-maya pa ay dumating ang isang lalaki. Sila ay nag-usap ng bigla nalang tumakbo ang lalaki papunta kung saan ka naroon bitbit ang bag ng babae. Sumigaw ang babae ng "Magnanakaw!" Lumabas ka sa kalsada at napahinto sa pagtakbo ang lalaki.




Saturday, July 21, 2018

Pwede bang wag na mag-ensayo at labanan nalang ang mga tunay na kalaban?

Hindi. Kailangan mong dumaan sa pag-eensayo bago kita ipadala sa iyong misyon. Wag mong maliitin ang ating mga kalaban dahil sila ay higit pa na mas malakas gaya ng inaasahan mo. Marami na ang tinapos ng mga kalaban at hindi biro ang kanilang mga pinagdaanan sa pakikipaglaban.

Teka muna, kinakabahan ako


Sige. Bibigyan kita ng panahon. Sabihin mo lang kung handa ka na. Kailangan mong maging matapang Kai. Sayo nakasalalay ang kaligtasan ng ating kalikasan dito sa mundong ito.



Simulan na natin ang pageensayo

"Umupo ka ng komportable at ipikit ang iyong mga mata." At ginawa ko ang sinabi ng Inang Acacia. Maya-maya pa ay biglang lumiwanag ang aking mga paningin at nakita ko ang tunay na anyo ng Inang Acacia. Napakaganda niya at nagliliwanag ang kanyang buong katawan. 

"Sisimulan na natin ang pag-eensayo. Dadalhin kita sa isang labanan na kung saan ay dapat mong pigilan ang mga umaatake sa iyo. Layunin mo na umabot sa base ng kalaban at talunin ang kanilang pinuno. Kapag ito ay natalo mo ay matagumpay ka sa pag-eensayo at masisimulan mo na ang iyong misyon."

"Lumaban ka na parang ikaw ay nasa pisikal na mundo dahil ikaw ang mga kalaban mo sa pag-eensayo ay tatapusin ka kagaya sa pisikal na mundo at mararamdaman mo ang sakit ng kanilang pag-atake sayo. Handa ka na ba?"



Lumapit sa punong Acacia

"Kai!" Nagulat ako at namangha sa punong Acacia na nagsasalita. "Inang Acacia" ang sabi ko. "Ako ang Inang Acacia. Maligayang pagdating sa Mundo Kai! Nakakausap kita gamit ang iyong pagiisip. Ako ang Kalikasan sa mundo. Maraming bagay ang hindi alam ng tao at hindi maipaliwanag ng mga pagaaral na kanilang nadiskubre. Ako ang humingi ng saklolo sa ibang kalikasan sa Universe para ipadala ka dito sa mundo at iligtas ang kalikasan." sagot ng Inang Acacia.

Pagmasdang mabuti ang punong Acacia

Totoo ang iyong nakikita at naririnig. Ako ang Inang Acacia. Nakakausap kita gamit ang iyong pagiisip. Maligayang pagdating sa mundo Kai. Ako ang Kalikasan sa mundo. Maraming bagay ang hindi alam ng tao at hindi maipaliwanag ng mga pagaaral na kanilang nadiskubre. Ako ang humingi ng saklolo sa ibang kalikasan sa Universe para ipadala ka dito sa mundo at iligtas ang kalikasan.

Manahimik lang at tumingin sa paligid


Wag kang matakot Kai. Ako ang Inang Acacia. Maligayang pagdating sa Mundo!  Nakakausap kita gamit ang iyong pagiisip. Ako ang Kalikasan sa mundo. Maraming bagay ang hindi alam ng tao at hindi maipaliwanag ng mga pagaaral na kanilang nadiskubre. Ako ang humingi ng saklolo sa ibang kalikasan sa Universe para ipadala ka dito sa dito.

Friday, July 20, 2018

Sino yun?

Ako ang Inang Acacia. Maligayang pagdating sa Mundo Kai! Nakakausap kita gamit ang iyong pagiisip. Ako ang Kalikasan sa mundo. Maraming bagay ang hindi alam ng tao at hindi maipaliwanag ng mga pagaaral na kanilang nadiskubre. Ako ang humingi ng saklolo sa ibang kalikasan sa Universe para ipadala ka dito sa mundo at iligtas ang kalikasan.

Saan?

Dito sa puno ng Acacia. Maligayang pagdating sa Mundo, Kai! Lumapit ka dito para sa iyong pageensayo sa pakikipaglaban. Wag kang matakot dahil ikaw ay nasa pinakaligtas na lugar dito sa Mundo. Ikaw si Kai ang tagapagligtas ng kalikasan.



Sige! Mapapasakin ang reward na yun, Dominic!

Dominic: Goodluck!

At ako ay lumakad na palabas ng kweba. "Sa pag-eensayo ko masusubukan ang tunay kong kakayanan. Habang ako papalakad palabas ng kweba ay kakaiba ang naramdaman kong halong tuwa at kaba. Dama ko ang responsibilidad na nakapatong sa aking mga balikat. Unti-unting lumiliwanag ang paligid habang ako'y papalapit na sa labas. Ang simoy ng hangin ay napakasariwa. Ang sarap mabuhay sa lugar na ito."

"Namangha ako sa aking nakita paglabas ko ng kweba. Wow! Grabe sobrang ganda ng ating inang kalikasan. Sariwang hangin, ang mga ibon ay umaawit sa paligid at ang mga puno ay naguumapaw sa mga prutas at bulaklak. Ako ay nasa paraiso! Ipaglalaban ko ang kalikasan sa mga gustong sumira nito!"

"Walang kahit anu mang bagay ang makakatumbas sa kagandahan ng kalikasan dito sa mundo. Pero sa ngayon ay dapat akong magfocus sa aking misyon. Nasan ba si Inang Acacia?"

"Nandito ako." Tinig ng boses ng isang babae sa aking isip.



Thursday, July 19, 2018

Hmmm! Patingin ako ng listahan at ng simulan ko nang tapusin ang mga yan!

Ipinakita ni Dominic ang listahan at itinuro ang isang itim na lumiliwanag na orb. "Ito ang mga negatibong enerhiya. Sila ay sumasapi sa katawan ng isang tao na may taglay na kasamaan sa kanilang pagkatao. Ang mga taong sinasapian nito ay yung mga taong kontrolado na ng negatibong mga gawain at pagiisip. Ang mga negatibong enerhiya ay kailangang sumapi sa katawan ng tao para makapaghasik ng lagim at sirain ang kalikasan ng mundo."

"Kung wala silang sasapian ay hindi sila magagalaw sa mundong ito. Di sila makakasapi sa mga taong tagapagtanggol ng kalikasan at punong puno ng pasitibong enerhiya. Kapag magawa mong talunin ang isang taong sinapian ng negatibong enerhiya, ito ay lalabas sa kanilang katawan at magiging neutral."

Itinuro ni Dominic ang kulay gray na orb na isang neutral na enerhiya. "Ang neutral na enerhiya ay sasapi sa iyo at sa pagbalik mo dito sa kweba ay magagamit mo sa pag-unlock ng mga basic na armas gaya ng mga punyal na ito."

"Ang mga taong napalaya mo sa negatibong enerhiya ay makababalik sa kanilang normal na buhay. Pero dahil wala na ang negatibong enerhiya sa kanilang katawan ay mas maliliwanagan sila sa pasitibong pamumuhay."

Itinuro ni Dominic ang mas malaking itim na orb. "Ito naman ay ang kapitan ng kasamaan. Sila ay sumasapi sa mas malalakas at mas matatalinong tao na may taglay na masasamang plano sa kalikasan, gahaman at tagasira ng pasitibong enerhiya ng isang tao. Ang katumbas naman nito ay mas malaking neutral orb na kapag isama mo sa tatlong armas na makukuha mo ay makapaga-unlock ng mas mataas na uri ng mga armas na iyon."

"Sila naman ay mas mahirap talunin kaysa sa maliit na negatibong enerhiya. Ang mga tagapag-hasik naman ng lagim na ipinadala ng ibang universe ay wala pa akong detalye sa mga iyon. Yan ang misyon mo dito. talunin sila at iligtas ang Mundo. Ang reward ay para sa kaligtasan ng mundo. Makakausad tayo sa pagligtas ng mundo sa pagtalo mo sa mga tagapag-hasik ng lagim."

Anong klaseng mga abilidad meron ang mga armas na yan?

Kapag nai-unlock ang isang armas kagaya ng punyal na ito, ang may hawak ay magkakaroon ng karagdagan sa bilis ng pagatake dahil sa taglay nitong gaan at sa kapangyarihan ng pagiging mabilis sa pagatake na nanggaling sa lumikha nito. Nababagay sa iyo ang armas na ito dahil ikaw ay may taglay na di pangkaraniwang bilis sa pagkilos.

Ok. Simulan na natin to!

Dominic: Hmmm... Sige nga subukan natin ang husay mo sa pakikipaglaban. Pumunta ka sa ating Inang Acacia sa labas para sa pag-eensayo mo sa pakikipaglaban. Ang inang Acacia ay may reward sa matagumpay na makatapos ng training.

Wednesday, July 18, 2018

Eh bat di mo nalang ipagamit ang mga armas dito?

Dahil selyado yan ng kapangyarihan ng mga lumikha ng bawat armas na yan at maiuunlock lang ang tunay na abilidad nyan kapag matalo mo ang mga gusto nila na iyong talunin. Ang karapat dapat lang ang makakagamit niyang mga yan. Nang sa ganun ay maiwasan ang paglaganap ng pagkasira ng kalikasan sa iba pang universe. At hindi lang yan basta-basta mga kagamitan. Iyan ay galing sa ibat-ibang kalikasan sa ibat-ibang panig ng universe.

Yan na ang maitutulong ng mga mapapayapang kalikasan sa ibang universe. Ganun din ang ating mga kalaban, sila rin ay sinusuportahan ng mga ibang tagapaghasik ng lagim sa ibat-ibang panig ng universe.

Ok. Simulan na natin to!

Anong klaseng mga abilidad meron ang mga armas na yan?

Hmmm! Patingin ako ng listahan at ng simulan ko nang tapusin ang mga yan!

Bakit pa kailangang i-unlock?

Magandang tanong. Dahil maiuunlock lang ang tunay na abilidad ng mga armas na yan kapag matalo mo ang mga gusto nila na iyong talunin. Ang karapat dapat lang ang makakagamit niyang mga yan. Nang sa ganun ay maiwasan ang paglaganap ng pagkasira ng kalikasan sa iba pang universe. At hindi lang yan basta-basta mga kagamitan. Iyan ay galing sa ibat-ibang kalikasan sa ibat-ibang panig ng universe.

Yan na ang maitutulong ng mga mapapayapang kalikasan sa ibang universe. Ganun din ang ating mga kalaban, sila rin ay sinusuportahan ng mga ibang tagapaghasik ng lagim sa ibat-ibang panig ng universe.

Ok. Mukang magaganda ang mga armas dito.

Tupak! At hindi lang yan basta-basta mga kagamitan. Iyan ay galing sa ibat-ibang kalikasan sa ibat-ibang panig ng universe na maiuunlock lang ang tunay na abilidad kapag matalo mo ang mga gusto nila na iyong talunin. Ang karapat dapat lang ang makakagamit niyang mga yan. Nang sa ganun ay maiwasan ang paglaganap ng pagkasira ng kalikasan sa iba pang universe.

Yan na ang maitutulong ng mga mapapayapang kalikasan sa ibang universe. Ganun din ang ating mga kalaban, sila rin ay sinusuportahan ng mga ibang tagapaghasik ng lagim sa ibat-ibang panig ng universe.

Subukan mong lumapit!

Easy ka lang Kai. Kakampi mo kami.

Maligayang pagdating Kai! Ako si Dominic ang tagapagbantay ng kwebang ito. At lahat ng sandata at armas na nakikita mo ay maia-unlock mo bilang reward na makukuha mo tuwing makakatalo ka ng nasa listahan.  Ligtas ang lugar na to. Hindi tayo mapupuntahan ng mga kalaban dito dahil pinoprotektahan tayo ng mga alagad ng kalikasan na kagaya mo.

Dito mo makikita ang mga listahan ng mga dapat mong talunin at ang makukuha mong mga rewards na nakapatong sa mga ito.

Sino ka? Nasaan ako?

Maligayang pagdating Kai! Ako si Dominic ang tagapagbantay ng kwebang ito. At lahat ng sandata at armas na nakikita mo ay maia-unlock mo bilang reward na makukuha mo tuwing makakatalo ka ng nasa listahan.  Ligtas ang lugar na to. Hindi tayo mapupuntahan ng mga kalaban dito dahil pinoprotektahan tayo ng mga alagad ng kalikasan na kagaya mo.

Dito mo makikita ang mga listahan ng mga dapat mong talunin at ang makukuha mong mga rewards na nakapatong sa mga ito.

Haha! Nakarating din sa wakas!

Ayos! Nandito na ang tagapagtanggol ng kalikasan. Inaasahan namin na ikaw na ang tagapagligtas!

Maligayang pagdating Kai! Ako si Dominic ang tagapagbantay ng kwebang ito. At lahat ng sandata at armas na nakikita mo ay maia-unlock mo bilang reward na makukuha mo tuwing makakatalo ka ng nasa listahan.  Ligtas ang lugar na to. Hindi tayo mapupuntahan ng mga kalaban dito dahil pinoprotektahan tayo ng mga alagad ng kalikasan na kagaya mo.

Dito mo makikita ang mga listahan ng mga dapat mong talunin at ang makukuha mong mga rewards na nakapatong sa mga ito.

Kai: Talim Ng Kalikasan RPG Text Game

Makalipas ang napakatagal na panahon, dumating narin ako sa planetang Mundo. Ang diwa ko'y gising habang ako'y naglalakbay. Sinusubaybayan ko ang mga nangyayari sa Mundo at masasabi ko na mahirap pero posible ko paring mailigtas ang mga nananahan dito laban sa masasamang plano ng hindi pa matukoy na kalaban. Halos lahat ng nandito ay kontrolado na nila.

Marami narin ang mga nagtangkang lumaban pero di nila kayang tumbasan ang mga kalaban. Kaya't sa pagmulat ng aking mga mata, sisimulan kong hanapin at talunin ang mga sumisira ng planeta.

Minulat ni Kai ang kanyang mga mata at nagtaka sa paligid niya. "Dumating ka na rin sa wakas Kai" sabi ng boses ng isang lalaki.

Saturday, July 14, 2018

3 Binangonan Tourists Spots To Visit

  • Angono Petroglyphs
  • Mount Tagapo
  • Santa Ursula Parish

Makukuha mo ang gusto mo

Nangyari na sakin to. Higit pa sa inaasahan ko ang dunating sakin. Inisip ko yung "isang bagay" na gusto kong mapasakin. Inisip ko na nasaakin na yun kahit wala pa sakin. 


Wag kang magisip ng negatibo gaya ng "kalokohan lang to" dahil pag yun ang inisip mo, yun ang mangyayari. So, inisip ko yun na nasakin na. Hindi yun bumagsak sa harapan ko, kundi parang magic na tumulak papalapit sakin.


Kung gaano ako kasaya habang iniimagine ko yung bagay na yun, ganun din yung naramdaman ko nung nasakin na yun. Share ko to sa inyo kasi sigurado mangyayari rin sa inyo kung ayusin mo lang ang pagiisip mo.

Friday, July 13, 2018

Kung ano ang itinanim, yun din ang magiging bunga

Siguro narinig mo na ang mga salitang to. Pero dumaan lang sa tenga mo at lumabas sa kabila. Ang mga salitang yan ay nakasulat sa ibat ibang libro na nagsimula pa nung unang panahon. Hindi yan inimbento ng tao kundi nadiskubre ng tao.


Kung ang itinanim mo ay galit, magbubunga ito ng mas maraming galit. Kung itinanim mo ay problema, magbubunga din to ng mas maraming problema. Ganun din kung itinanim mo ay ligaya, magbubunga ng mas maraming ligaya. Kung itinanim mo ay blessings, magbubunga ng mas maraming blessings.


Simple lang naman, kung ano yung madalas mong iniisip, yun ang madalas na mangyayari sa buhay mo. Nasubukan ko na rin to sa sarili ko. Hindi ko sasayangin ang oras ko sa pagshare nito kung hindi ko to nadiskubre at naranasan sa sarili ko.


Sabi ko sa sarili ko nung nabasa ko to, "sige nga, testing natin kung totoo." Inisip ko lang na "may dadating na unexpected na blessing sakin" Nung araw na rin na yon ay may dumating nga na unexpected na blessing sa akin. Kaya napapangiti nalang ako tuwing naaalala ko yun. At mas lalong lumalim ang paniniwala ko sa mga salitang to. 


Kaya ngayon ay shinishare ko to sa kapwa ko. Dahil the more na magshare ka, the more na may babalik sayo. Patuloy lang ang magandang buhay na dumadating.

Monday, July 2, 2018

Ang Aking Pagiisip Ang Gumagawa Ng Aking Daigdig

Namalayan ko ito ng pinagmasdan ko ang paligid ko. Kung ano ang iniisip ng isang tao ay magreresulta din ng katulad nito. Kung negatibo, negatibo. Kung pasitibo ay pasitibo. Ang utak natin ay may dalawang pagiisip. Ang may malay at ang wala.

Ang may malay ay nakafocus sa kung ano ang ating nakikita, nararamdaman at iba pang senses. Ang unconscious naman ay malimit nating mapansin. Pero ito ay napakahalaga sa paggawa ng ating daigdig. Lahat tayo gusto ng masaganang buhay. Pero ang paligid natin ay nagiimpluwensya sa ating unconscious nating utak na nakakadistract.

Napakarami ng pagaaral dito. Kaya kung gusto mo ng masaganang buhay ay dapat ay ikundisyon mo ng husto ang iyong utak. Ang conscious at unconscious. Ang utak mo ay nagsesend ng frequency sa universe at ito ay nagaattract sa kung ano ang iniisip mo. Kung patuloy tuloy mong iisipin na aasenso ka ay ilalatag ito sa iyo ng daigdig. "Law of attraction" kung tawagin.

Ang mga kilalang mga scientist na gaya ni Nikola Tesla, nakaimbento ng electricity at marami pa, Albert Einstein na marami ring naicontribute at marami pang ibang kilalang scientists ay alam ang bagay na ito. Ano pa man ang itawag mo sa "law of attraction" ay mas mahalaga kung maexperience mo ito sa sarili mo, maintindihan at magamit mo. Kahit nung unang panahon pa ay marami na ang nakatuklas sa bagay na ito.

Marami sa atin ay naiimpluwensyahan ang pagiisip at patuloy na distracted sa mga bagay na nakakatulong sa atin sa pagunlad. TV ang number 1 na distraction at marami pang iba. Napakaimportante ang bagay na ito at kailangan mong pagtuunan ng pansin. Kasi ikaw ang gumagawa ng daigdig mo. Hindi ang mga nasa TV ang magpapaasenso sayo kundi ang sarili mo at wala ng iba.

Ang unang hakbang ay tuklasin mo ang "Law of attraction". Manood ka sa Youtube, napakaraming videos tungkol dun. Maging aware ka sa paligid mo. Maging aware ka sa mga frequencies. Healing frequencies at iwasan ang distractive frequencies. Maging aware ka sa kinakain mo. Maging aware ka sa lahat ng bagay. Pag naintindihan mo tong mga sinasabi ko, congratulations! Tuloy tuloy na ang pagdaloy ng mabuting mga bagay na mangyayari sa buhay mo. 

Manatiling nakatago sa puno

Hinagisan ka ng granada ng isang assistant ni Marvin at ito ay sumabog. Lumiwanag ang iyong paningin at nakita si Inang Acacia. "Bigo k...