Bago pa nito iputok ang kanyang baril ay dali dali kang tumakbo sa may puno at naiwasan mo ang mga pinakawalang bala ni Marvin. Gamit ang Nature Sense, ikaw ay mabilis na nakapunta sa likod ni Marvin at itinurok mo ang dalang dulo ng iyong arnis. Tumalsik ito ng bahagya at nabitawan ang hawak na M16.
Agad itong bumangon at sa pagbangon nito ay pinaulanan mo ng mga atake gamit ang arnis. Hindi nito nagawang lumaban dahil sa taglay mong bilis. Hinampas mo ng arnis ang malaking itim na orb sa dibdib nito ngunit ito na nanatiling lumalaban.
Maya-maya pa ay tuluyan na nabuwag ang depensa ni Marvin at hinampas mo ng dalawang beses ang malaking itim na orb sa dibdib nito at iyon ay naglaho at nawalan ng malay si Marvin. Ilang saglit pa ay narinig mo na ang sirena ng mga pulis.
Ibalik ang Magic Tree sa Magic Seed at pumunta sa talahiban
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Manatiling nakatago sa puno
Hinagisan ka ng granada ng isang assistant ni Marvin at ito ay sumabog. Lumiwanag ang iyong paningin at nakita si Inang Acacia. "Bigo k...
-
Hinagisan ka ng granada ng isang assistant ni Marvin at ito ay sumabog. Lumiwanag ang iyong paningin at nakita si Inang Acacia. "Bigo k...
-
Habang ikaw ay nasa ilalim ng poste ay ginamit mo ang dahon ng paghilom at naghilom ang iyong sugat ng biglaan. Sinunggaban ka ng kalaban ga...
-
Sa angking bilis at agresibong pakiramdam mo, agad kang pumunta sa harapan ni Marvin at itinurok at agad na hinugot ang punyal sa malaking i...
No comments:
Post a Comment