Monday, July 2, 2018

Ang Aking Pagiisip Ang Gumagawa Ng Aking Daigdig

Namalayan ko ito ng pinagmasdan ko ang paligid ko. Kung ano ang iniisip ng isang tao ay magreresulta din ng katulad nito. Kung negatibo, negatibo. Kung pasitibo ay pasitibo. Ang utak natin ay may dalawang pagiisip. Ang may malay at ang wala.

Ang may malay ay nakafocus sa kung ano ang ating nakikita, nararamdaman at iba pang senses. Ang unconscious naman ay malimit nating mapansin. Pero ito ay napakahalaga sa paggawa ng ating daigdig. Lahat tayo gusto ng masaganang buhay. Pero ang paligid natin ay nagiimpluwensya sa ating unconscious nating utak na nakakadistract.

Napakarami ng pagaaral dito. Kaya kung gusto mo ng masaganang buhay ay dapat ay ikundisyon mo ng husto ang iyong utak. Ang conscious at unconscious. Ang utak mo ay nagsesend ng frequency sa universe at ito ay nagaattract sa kung ano ang iniisip mo. Kung patuloy tuloy mong iisipin na aasenso ka ay ilalatag ito sa iyo ng daigdig. "Law of attraction" kung tawagin.

Ang mga kilalang mga scientist na gaya ni Nikola Tesla, nakaimbento ng electricity at marami pa, Albert Einstein na marami ring naicontribute at marami pang ibang kilalang scientists ay alam ang bagay na ito. Ano pa man ang itawag mo sa "law of attraction" ay mas mahalaga kung maexperience mo ito sa sarili mo, maintindihan at magamit mo. Kahit nung unang panahon pa ay marami na ang nakatuklas sa bagay na ito.

Marami sa atin ay naiimpluwensyahan ang pagiisip at patuloy na distracted sa mga bagay na nakakatulong sa atin sa pagunlad. TV ang number 1 na distraction at marami pang iba. Napakaimportante ang bagay na ito at kailangan mong pagtuunan ng pansin. Kasi ikaw ang gumagawa ng daigdig mo. Hindi ang mga nasa TV ang magpapaasenso sayo kundi ang sarili mo at wala ng iba.

Ang unang hakbang ay tuklasin mo ang "Law of attraction". Manood ka sa Youtube, napakaraming videos tungkol dun. Maging aware ka sa paligid mo. Maging aware ka sa mga frequencies. Healing frequencies at iwasan ang distractive frequencies. Maging aware ka sa kinakain mo. Maging aware ka sa lahat ng bagay. Pag naintindihan mo tong mga sinasabi ko, congratulations! Tuloy tuloy na ang pagdaloy ng mabuting mga bagay na mangyayari sa buhay mo. 

No comments:

Post a Comment

Manatiling nakatago sa puno

Hinagisan ka ng granada ng isang assistant ni Marvin at ito ay sumabog. Lumiwanag ang iyong paningin at nakita si Inang Acacia. "Bigo k...