Friday, July 20, 2018

Sige! Mapapasakin ang reward na yun, Dominic!

Dominic: Goodluck!

At ako ay lumakad na palabas ng kweba. "Sa pag-eensayo ko masusubukan ang tunay kong kakayanan. Habang ako papalakad palabas ng kweba ay kakaiba ang naramdaman kong halong tuwa at kaba. Dama ko ang responsibilidad na nakapatong sa aking mga balikat. Unti-unting lumiliwanag ang paligid habang ako'y papalapit na sa labas. Ang simoy ng hangin ay napakasariwa. Ang sarap mabuhay sa lugar na ito."

"Namangha ako sa aking nakita paglabas ko ng kweba. Wow! Grabe sobrang ganda ng ating inang kalikasan. Sariwang hangin, ang mga ibon ay umaawit sa paligid at ang mga puno ay naguumapaw sa mga prutas at bulaklak. Ako ay nasa paraiso! Ipaglalaban ko ang kalikasan sa mga gustong sumira nito!"

"Walang kahit anu mang bagay ang makakatumbas sa kagandahan ng kalikasan dito sa mundo. Pero sa ngayon ay dapat akong magfocus sa aking misyon. Nasan ba si Inang Acacia?"

"Nandito ako." Tinig ng boses ng isang babae sa aking isip.



No comments:

Post a Comment

Manatiling nakatago sa puno

Hinagisan ka ng granada ng isang assistant ni Marvin at ito ay sumabog. Lumiwanag ang iyong paningin at nakita si Inang Acacia. "Bigo k...